World Education Connect Multidisciplinary e-Publication, Vol. VI, Issue I (January 2026), pp.132-156
REHISTRO NG WIKANG FILIPINO SA PAGSULAT TEKNIKAL NG MGA MAG-AARAL SA TECHVOC STRAND
Dinelyn V. Arellano, LPT
Lahong National High School
World Education Connect Multidisciplinary e-Publication, Vol. VI, Issue I (January 2026), pp.132-156
Dinelyn V. Arellano, LPT
Lahong National High School
Abstrak
Ang pag-aaral na ito ay nagsuri sa istatus ng kaalaman sa rehistro ng Wikang Filipino sa teknikal na pagsulat ng mga mag-aaral sa mga TechVoc strands ng Senior High School, partikular sa mga kursong Electrical Installation and Maintenance (EIM), Electronic Products Assembly and Servicing (EPAS), at Computer Systems Servicing (CSS). Layunin ng pag-aaral na suriin ang rehistro ng wika na ginagamit ng mga mag-aaral sa kanilang mga sulating teknikal bokasyunal, pati na rin ang mga suliraning kinakaharap nila sa pagsulat sa asignaturang Filipino. Ang mga kursong ito ay bahagi ng Technical-Vocational-Livelihood (TechVoc) track ng Senior High School, na naglalayong magbigay ng kasanayan sa mga mag-aaral sa teknikal at bokasyonal na larangan.
Tinutukoy ng pag-aaral ang mga epekto ng mga suliraning ito sa kalidad ng kanilang mga sulatin, kasama na ang nilalaman, mensahe, kaangkupan ng salita, at gramatika. Mahalaga rin sa pag-aaral ang pagsusuri ng mga isyung kinakaharap ng mga mag-aaral at kung paano ito nakaaapekto sa kanilang pagsulat. Bilang bahagi ng pagsusuri, nagbigay ang pag-aaral ng mga rekomendasyon kung paano mapapabuti ang kasanayan ng mga mag-aaral sa paggamit ng tamang rehistro ng wika sa teknikal na pagsulat, upang matugunan ang mga pangangailangan ng kanilang mga kursong TechVoc.
Mga Susing Salita: rehistro ng wika, teknikal na pagsulat, TechVoc, Wikang Filipino, Senior High School, kasanayan sa pagsulat
READ MORE