WORLD EDUCATION CONNECT MULTIDISCIPLINARY E-PUBLICATION
Vol. V Issue IX (September 2025)
International Circulation
WORLD EDUCATION CONNECT MULTIDISCIPLINARY E-PUBLICATION
Vol. V Issue IX (September 2025)
International Circulation
World Education Connect Multidisciplinary e-Publication, Vol. V, Issue IX (September 2025), p.1
James R. Ciriaco, MAED
Guimaras State University
Guimaras, Region VI, Pilipinas
ABSTRAK
Nilalayon ng pag-aaral na ito ay magsagawa ng tematikong pagsusuri sa mga kontekstwalisadong kagamitang pampanitikan para sa Filipino 7 sa ilalim ng Matatag Kurikulum, saklaw ang Unang Markahan lamang. Ang Thematic Analysis nina Braun at Clarke (2021), ang balangkas na ginamit sa pagsusuri ng mga karunungang-bayan—bugtong, salawikain, sawikain, kasabihan, at tanaga—bilang salamin ng kulturang Pilipino, pagpapahalagang panlipunan, at moralidad. Isinagawa ang pananaliksik sa pamamagitan ng kwalitatibong disenyo at tematikong pagsusuri upang tukuyin at ipaliwanag ang mga umuusbong na tema.
Salig sa Teoryang Socio-cultural ni Vygotsky na naniniwalang ang wika ay panlipunan, may tungkulin sa pagtamao ng kaalaman at kamalayang kultural, lumitaw sa pagsusuri ang limang pangunahing tema: (1) Karunungang-Bayan at Kaalamang Kultural, (2) Aral sa Buhay at Pag-uugali, (3) Pagmamahal sa Kalikasan at Yaman ng Bayan, (4) Pag-ibig, Pamilya at Ugnayan sa Kapwa, at (5) Pag-asa at Pagbangon. Ang mga temang ito ay kakikitaan ng ugnayan ng panitikan at lipunang Pilipino bilang tagahubog sa pagkakakilanlan.
Dahil sa mabisang lapit sa paglalantad ng kabuluhang kultural ng mga akdang pampanitikan, inirerekomenda ang paggamit ng tematikong pagsusuri bilang pamantayan sa pagdidisenyo ng instructional materials at sa integrasyon ng mga natukoy na tema sa pagtuturo at pagtataya ng panitikan.
DOI 10.5281/zenodo.17065898