Introduksyon
Ang tao ay nabubuhay sa kaniyang wika para ipahayag ang kaniyang nararamdaman at nasasaisip upang magkaroon ng higit na puwang sa daigdig. Naibabahagi ng isang tao ang kaniyang bulalas at mapanuring pananaw tungkol sa mga bagay na kaniyang nakikita gamit ang wika. Samantala, ang edukasyon ay isang butil ng karunungan na patuloy na umuunlad at umuusbong sa pamamagitan ng iba’t ibang hamon sa paglipas ng mahabang panahon na nakaayon sa pangangailangan ng isang mapayapang lipunan na sumasabay sa pag-agos ng pagbabago sa pagpapanday ng karunungan.
Batay sa balangkas ng United Nation Sustainable Development Goals o SGD 2030, Kailangan siguraduhin na maisangkot o maibilang ang mga mag-aaral sa pagkakaroon ng kalidad na edukasyon na para sa lahat at isulong ang pangmatagalang o panghabangbuhay na pag-aaral. Kaya patuloy na lumilikha ng mga kagamitang panturo batay sa pangangailangan ng mga mag-aaral na inclusive o kabilang ang lahat gamit ang pamantayang inilalabas ng Kagawaran ng Edukasyon upang matiyak ang kalidad ng mga ito ngunit sa pagpasok ng MATATAG Kurikulum nagkaroon ng isang malaking hamon ang mga guro dahil sa kakulangan ng kagamitan pampagtuturo na magagamit ng mga mag-aaral na hindi lamang ang tuon sa asignaturang Filipino kundi pati na rin ang ibang saklaw na asignatura.
Batay sa Sanligang Batas ng Pilipinas, Seksyon 1, Artikulo XIV ng Konstitusyon ng 1987, na dapat pangalagaan at itaguyod ng Estado ang karapatan ng lahat ng mga mamamayan sa mahusay na edukasyon sa lahat ng antas at dapat magsagawa ng angkop na mga hakbang upang matamo ng lahat ang gayong edukasyon.” at sa ilalim naman ng Seksyon 6, Kabanata 1 ng Batas Republika Blg. 9155, o ang Governance of Basic Education Act ng 2001, ang “DepEd ay may kapangyarihan, pananagutan, at responsabilidad upang tiyakin ang akses, pagtataguyod ng pagkakapantay sa, at pagpapabuti ng kalidad ng batayang edukasyon”.
https://doi.org/10.65494/pinagpalapublishing.142