LUNTIAN, Tomo I, Isyu IV (Agosto 2026), Pahina 39-43
Author
Buenafe Z. Atacador
Osmeña Colleges
ABSTRAK
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong suriin ang paggamit at impluwensya ng Netspeak sa akademikong pagsulat at pakikipagtalastasan sa social media ng mga mag-aaral sa Ikaapat na Taon ng BSED Major sa Filipino sa Osmeña Colleges, Lungsod ng Masbate.
Ginamit sa pag-aaral ang deskriptibong kwalitatibong at kwantitatibong pamamaraan sa tulong ng pagsusuri ng sulatin (document analysis) at talatanungan sa kabuoang populasyon na 98 na mag-aaral. Natuklasan sa pag-aaral na ang mga pangunahing anyo ng Netspeak na umuusbong sa Filipino social media ay kinabibilangan ng akronim, inisyalismo, pagpapaiikli ng salita (abbreviation), cyberslang, at tadbaliks.
Lumabas na bagamat nakatutulong ang Netspeak sa mabilis na pagpapahayag ng kaisipan sa impormal na komunikasyon, nagdudulot ito ng negatibong epekto sa pormal na akademikong pagsulat tulad ng paglabag sa pormal na ebolusyon ng balarila, maling pagbaybay, at kawalan ng angkop na pormalidad. Bilang tugon, nagpanukala ang pag-aaral ng mga estratehiyang pampedagohiya upang mapanatili ang pormalidad ng akademikong pagsulat habang kinikilala ang konteksto ng digital na komunikasyon.
Tungkol sa Dyornal ng Pananaliksik:
LUNTIAN: Pambansang Dyornal ng Pananaliksik at Pag-aaral sa Pag-unlad ng Wikang Filipino
ISSN (Print): 3116-5435
ISSN (Online): 3116-5443
Ang LUNTIAN: Pambansang Dyornal ng Pananaliksik at Pag-aaral sa Pag-unlad ng Wikang Filipino ay isang akademikong publikasyon na naglalayong itaguyod at palaganapin ang mas malalim na pag-unawa, pagsusuri, at pagpapayaman sa wikang Filipino. Layunin ng dyornal na maging pangunahing plataporma para sa mga makabuluhang pananaliksik at talakayan ukol sa wika, kultura, at kaunlaran ng ating bayan.
Ang LUNTIAN ay isang peer-reviewed at refereed journal na nangangahulugang ang bawat pananaliksik na inilalathala rito ay dumadaan sa masusing pagsusuri ng mga eksperto sa kani-kanilang larangan upang matiyak ang kalidad, kredibilidad, at kahalagahan ng mga nilalaman nito.
Sa pamamagitan ng LUNTIAN, binibigyang-pugay ang kahalagahan ng wikang Filipino bilang pangunahing daluyan ng kaalaman, pananaliksik, at diskurso sa iba't ibang larangan ng karunungan. Hinihikayat nito ang mga mananaliksik, guro, mag-aaral, at mga propesyonal na magbahagi ng kanilang mga ideya, kaalaman, at natuklasan na makatutulong sa pagpapalago ng wika at kultura.
Ang dyornal na ito ay nagtatampok ng mga pananaliksik na tumutukoy sa mga sumusunod na larangan:
Lingguwistika at Wika
Panitikan at Kultura
Edukasyon at Pedagohiya
Agham Panlipunan at Humanidades
Mga usaping pangkaunlaran sa konteksto ng wikang Filipino
Sa pamamagitan ng LUNTIAN, hangad ng pamunuan nito na makapag-ambag sa patuloy na pagpapaunlad ng wikang Filipino bilang wika ng karunungan, pagkakakilanlan, at pagkakaisa ng sambayanang Pilipino.
LUNTIAN – isang simbolo ng buhay, pag-asa, at patuloy na pag-usbong ng ating wika at kultura.
Publication Ethics and Publication Malpractice Statement