Abstrak
Ang pagnenegosyo ay isang gawi na bunga ng pagtaya ng isang tao upang kumita. Ito ay may kinalaman sa pagsugal ng kanilang sariling pawis, oras, salapi upang magkaroon ng tinatawag na negosyo. May mga negosyong food cart na nakatuon sa simple at abot-kayang mga estratehiya. Sa kasalukuyan, patuloy ang pagdami ng mga food cart business sa Capas, Tarlac dahil mas madali itong simulan at hindi gaanong kailangan ng malaking puhunan.
Ayon kay Armstrong et al. (2004) ang marketing ay isang societal at managerial naproseso kung saan nakukuha ng mga indibidwal at grupo ang kailangan at gusto nila pamamagitan ng paglikha at pakikipagpalitan ng mga produkto at halaga sa iba. Dagdag pa rito, mahalagang matukoy kung alin sa mga marketing strategy ang tunay na nakapagpapataas ng benta at nakatutulong sa pagpapanatili ng mga suking mamimili, lalo na sa patuloy na pagdami ng kompetisyon sa Capas, Tarlac.
Batay sa resulta, ang isinagawang sarbey sa unang talahanayan na Pagpepresyong nakanatay sa Kompetisyon, lumalabas na ang pangkalahatang mean ay 3.76 na may berbal na interpretasyon na Sumasang-ayon. Samantala, ang word of mouth naman ay may pangkalahatang mean na 4.3 at ang berbal na interpretasyon nito ay Lubos na Sumasang-ayon. Batay sa resulta ng overall mean na nakuha ay 4.44 na may kahulugang "Lubos na sumangsang - ayon". Batay sa resulta ng overall mean na nakuha ay 4.25 na may kahulugang "Sumasang -ayon" ay ipinapakita na nauunawaan ng mga respondente ang kahalagahan ng marketing at paggamit ng visual at online na paraan upang mapataas ang benta ng food cart.
Sa pangkalahatang mean mula sa apat na talahanayan ng mga marketing strategy ng mga food cart business owners ay 4.19 na ang berbal na interpretasyon ay Sumasang- ayon. Ito ay nangangahulugan na ang Pagpepresyong Batay sa Kompetisyon, Word of Mouth, Lokasyon, Signage at Social Media ay may malaking epekto sa negosyo nila. Gayundin, mahalaga ang tradisyunal na paraan ng pagmemerkado tulad ng pagbibigay ng diskwento, maayos na serbisyo, at pagpili ng magandang lokasyon upang makahikayat ng mamimili at mapanatili ang tiwala nila sa negosyo, kaya ang pag-aaral na ito ay naglalayong magbigay ng mas malinaw na pag-unawa sa mga estratehiyang makatutulong sa paglago at tagumpay ng mga food cart business sa lugar.
Mga Mahalagang Salita: pagnenegosyo, food cart business, marketing strategy
https://doi.org/10.65494/pinagpalapublishing.183