LUNTIAN, Tomo I, Isyu II (Hunyo 2026), Pahina 130-135
Pagbaklas sa Mito: Isang Malay na Pagsusuri sa Kasarian ng Kababaihan
Author
Norly R. Plasencia
Cebu Technological University
LUNTIAN, Tomo I, Isyu II (Hunyo 2026), Pahina 130-135
Author
Norly R. Plasencia
Cebu Technological University
Abstrak
Nilayon ng pag-aaral na ito na suriin ang papel na ginagampanan ng babae sa anim na piling nobelang Filipino na nagwagi sa Gawad Palanca. Siniyasat sa pag-aaral ang pagkakahon ng lipunan sa papel na kanilang ginagampanan upang ilarawan ang napakababang antas na pinaglagyan ng lipunan sa kababaihan. Inilapat sa pagsusuri ang mga simulain ng Hermeneyutika at Dekonstruksyon bilang paraan ng pagbasa/pagbasag sa teksto. Ang pagsusuri ay umikot sa dobleng pagkakahon sa larawan ng babae sa lipunan at sa teksto. Nabuo ang sumusunod na mito ng babae sa mga akda: haligi ng tahanan; kung kailan mahina ay saka malakas; at tagapagsulong ng pagbabago. Napatunayan sa pag-aaral ang pagbawi sa representasyon ng kapangyarihan mula sa kamay ng patriyarka. Sa pangkalahatan, nagpapakita ang pananaliksik na ito ng bagong perspektiba sa kritisismo ng nobelang pampanitikan at iminumungkahi ang patuloy na pagbuwag sa tradisyonal na patriyarkal na pagbasa sa iba pang anyo ng panitikang Filipino.
Key Words: mito, babae, pagkakahon, pagbasa/pagbasag, nobela
Tungkol sa Dyornal ng Pananaliksik:
LUNTIAN: Pambansang Dyornal ng Pananaliksik at Pag-aaral sa Pag-unlad ng Wikang Filipino
ISSN (Print): 3116-5435
ISSN (Online): 3116-5443
Ang LUNTIAN: Pambansang Dyornal ng Pananaliksik at Pag-aaral sa Pag-unlad ng Wikang Filipino ay isang akademikong publikasyon na naglalayong itaguyod at palaganapin ang mas malalim na pag-unawa, pagsusuri, at pagpapayaman sa wikang Filipino. Layunin ng dyornal na maging pangunahing plataporma para sa mga makabuluhang pananaliksik at talakayan ukol sa wika, kultura, at kaunlaran ng ating bayan.
Ang LUNTIAN ay isang peer-reviewed at refereed journal na nangangahulugang ang bawat pananaliksik na inilalathala rito ay dumadaan sa masusing pagsusuri ng mga eksperto sa kani-kanilang larangan upang matiyak ang kalidad, kredibilidad, at kahalagahan ng mga nilalaman nito.
Sa pamamagitan ng LUNTIAN, binibigyang-pugay ang kahalagahan ng wikang Filipino bilang pangunahing daluyan ng kaalaman, pananaliksik, at diskurso sa iba't ibang larangan ng karunungan. Hinihikayat nito ang mga mananaliksik, guro, mag-aaral, at mga propesyonal na magbahagi ng kanilang mga ideya, kaalaman, at natuklasan na makatutulong sa pagpapalago ng wika at kultura.
Ang dyornal na ito ay nagtatampok ng mga pananaliksik na tumutukoy sa mga sumusunod na larangan:
Lingguwistika at Wika
Panitikan at Kultura
Edukasyon at Pedagohiya
Agham Panlipunan at Humanidades
Mga usaping pangkaunlaran sa konteksto ng wikang Filipino
Sa pamamagitan ng LUNTIAN, hangad ng pamunuan nito na makapag-ambag sa patuloy na pagpapaunlad ng wikang Filipino bilang wika ng karunungan, pagkakakilanlan, at pagkakaisa ng sambayanang Pilipino.
LUNTIAN – isang simbolo ng buhay, pag-asa, at patuloy na pag-usbong ng ating wika at kultura.
Publication Ethics and Publication Malpractice Statement