Abstrak
Malaki at malawak ang impluwensiya ng mga online promotional video at shopping application sa panahon ngayon. Sa ganitong proseso, mas napapadali ang pagbili, ngunit naaapektuhan naman ang pagbabadyet ng mga estudyante. Dahil dito, ang pananaliksik ay natukoy ang impluwensiya ng mga online promotional video at shopping application sa pagbili at pagbabadyet, mga salik na nakaiimpluwensiya sa pagbili't pagbabadyet, mga tinatangkilik na produkto at serbisyo, at impluwensiya sa pagbabadyet ng allowance ng mga estudyante. Ginamit ang Evaluation Quantitative Design na sumukat sa impluwensiya ng mga salik sa pagbili at pagbabadyet ng mga estudyante. Ginamit sa pananaliksik na ito ang sarbey-kwestyuner na may 5-point Likert Scale upang makangalap ng datos mula sa mga piling kalahok.
Nakuhang resulta o kabuoang mean para sa unang talahanayan ng pagbili ay 3.81, na may berbal na interpretasyon na sumasang-ayon. Naaapektuhan ang kanilang pagbili dahil sa mga discounts, madaling proseso, ratings at reviews, at sa hitsura ng produkto. Sa ikalawang talahanayan ng pagbabadyet ay 3.58, na may berbal na interpretasyon na sumasayang-ayon. Naaapektuhan ang pagbabadyet ng mga estudyante dahil sa mga discounts, online promos at vouchers, at dahil mas nakakatipid sila rito. Habang sa ikatlong talahanayan na mga produkto at serbisyong tinatangkilik, ang kabuoang mean ay 3.48, na may berbal na interpretasyon na neutral. Ang mga produktong tinatangkilik ay mga damit, pagkain, school supplies at beauty products, ngunit minsan sila ay bumibili sa shopping applications at minsan ay hindi. Ang standard deviation ng talahanayan na ito ay 0.51, ibig sabihin hindi nagkakalayo ang mga sagot ng mga respondante at ito ay humahantong sa neutral hanggang sa sumasayang-ayon ang mga ito sa mga produkto at serbisyong kanilang tinatangkilik. Ang ikaapat na talahanayan ng impluwensiya sa pagbabadyet ng allowance ng mga estudyante, ang kabuoang mean ay 3.37, na may berbal na interpretasyon na neutral. Hindi masyadong naaapektuhan ang pagbabadyet ng ibang mga estudyante, at mayroon din namang iba na naaapektuhan ang kanilang pagbabadyet. Ang standard deviation ng talahanayan ay 0.40, ibig sabihin ay halos pare-pareho ang pananaw ng mga estudyante na may impluwensya ang mga shopping application at online promotional video sa kanilang pagbabadyet ng allowance at ito ay humahantong sa neutral hanggang sumasang-ayon.
Ang mga online promotional videos at shopping applications ay may malakas na impluwensya sa paggawa ng desisyon ng mga estudyante. Bagamat nagbibigay ito ng kaginhawaan at pagkakataong makatipid sa pamamagitan ng promos, nagdudulot din ito ng hamon sa kanilang disiplina sa pag-iipon at pagbabadyet ng kanilang allowance. Ipinapakita ng pag-aaral na ang mga reviews at ratings ay mas mahalagang salik sa pagbili kaysa sa estetika lamang ng produkto.
Mga Mahalagang Salita: Impluwensiya, Pagbili at Pagbabadyet, Online Promotional Video, Shopping Application
https://doi.org/10.65494/pinagpalapublishing.200