Abstrak
Iba-iba ang tema, paksa, layunin at damdamin ng mga Polosang Kapampangan. Marami sa mga ito ang naghahayag ng satirikal na paksa, habang parodya naman ang nilalaman upang mamuna at mamintas sa mga isyung panlipunan o pagpapatawa gamit ang mga kakatawang bagay na nagaganap sa panahon na kinabibilangan ng isang Polosa. Magkakaiba man ang bigat at pagtanggap sa wikang Kapampangan na ginagamit o impluwensiya, naroon pa rin ang kaisahan uri, anyo at paraan sa pag-awit ng Polosang Kapampangan.
Sa pamamagitan ng konteksto ng loob, labas, lawak, at lalim Polosang Kapampangan sa paglalapat ng Teoryang Banga ni Prospero Covar. Nasaliksik ang patuloy na pinagyayamang Polosa sa Capas. Hindi lamang ito hahangga sa mga barangay na pinuntahan ng mananaliksik kung hindi magiging isang batayan upang isulong at buhayin ang kulturang Kapampangan – ang Polosa.
Mga Susing Salita: Polosang Kapampangan, Teoryang Banga
https://doi.org/10.65494/pinagpalapublishing.149