LUNTIAN, Tomo I, Isyu II (Hunyo 2026), Pahina 116-123
PAGBUO NG WORKTEXT SA PAGTUTURO NG PANITIKAN SA ELEMENTARYA
Sierra Marie S. Aycardo, Ma. Angela V. Oriel
College of Teacher Education
Laguna State Polytechnic University
LUNTIAN, Tomo I, Isyu II (Hunyo 2026), Pahina 116-123
Sierra Marie S. Aycardo, Ma. Angela V. Oriel
College of Teacher Education
Laguna State Polytechnic University
Abstrak
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang bumuo at masuri ang kalidad ng isang worktext sa pagtuturo ng Panitikan para sa mga mag-aaral sa elementarya. Tinukoy ng pag-aaral ang antas ng kalidad ng worktext batay sa nilalaman, organisasyon, kaangkupan, pagtataya, at hikayat sa gamit. Sinuri rin nito ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng formative at summative test, gayundin ang makabuluhang pagkakaiba at epekto ng paggamit ng worktext sa kanilang performans.
Gumamit ang pag-aaral ng descriptive-developmental na disenyo ng pananaliksik. Ang mga tagatugon ay binubuo ng 35 mag-aaral na lumahok sa implementasyon ng nabuong worktext. Gumamit ng weighted mean at standard deviation upang matukoy ang antas ng kalidad ng worktext, habang paired samples t-test ang ginamit upang malaman ang makabuluhang pagkakaiba ng performans sa formative at summative test. Ginamit naman ang Cohen's d at Hedges' g upang masukat ang laki ng epekto ng paggamit ng worktext.
Ipinakita ng mga resulta na ang nabuong worktext ay nagtamo ng lubhang mataas na antas ng kalidad sa lahat ng aspektong sinuri, kabilang ang nilalaman, organisasyon, kaangkupan, pagtataya, at hikayat sa gamit. Sa formative test, karamihan sa mga mag-aaral ay nakapagtamo ng antas na Mahusay, samantalang sa summative test ay karamihan ay nasa antas na Higit na Mahusay, na nagpapakita ng pagtaas ng kanilang pagganap. Natuklasan din na may makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng formative at summative test, at ang pagsusuri sa effect size ay nagpakita ng malaking epekto ng paggamit ng worktext sa performans ng mga mag-aaral.
Batay sa mga natuklasan, napagpasyahan na ang nabuong worktext ay isang epektibo at de-kalidad na kagamitang pampagtuturo na nakatutulong sa pagpapabuti ng pagkatuto at akademikong performans ng mga mag-aaral sa Panitikan. Inirerekomenda ang paggamit nito bilang karagdagang kagamitang pampagtuturo at ang pagsasagawa ng mga kaugnay na pag-aaral upang higit pang mapatunayan ang bisa nito sa iba't ibang antas at asignatura.
Keywords: Worktext, Panitikan, Kagamitang Pampagtuturo, Formative Test, Summative Test, Performans
Tungkol sa Dyornal ng Pananaliksik:
LUNTIAN: Pambansang Dyornal ng Pananaliksik at Pag-aaral sa Pag-unlad ng Wikang Filipino
ISSN (Print): 3116-5435
ISSN (Online): 3116-5443
Ang LUNTIAN: Pambansang Dyornal ng Pananaliksik at Pag-aaral sa Pag-unlad ng Wikang Filipino ay isang akademikong publikasyon na naglalayong itaguyod at palaganapin ang mas malalim na pag-unawa, pagsusuri, at pagpapayaman sa wikang Filipino. Layunin ng dyornal na maging pangunahing plataporma para sa mga makabuluhang pananaliksik at talakayan ukol sa wika, kultura, at kaunlaran ng ating bayan.
Ang LUNTIAN ay isang peer-reviewed at refereed journal na nangangahulugang ang bawat pananaliksik na inilalathala rito ay dumadaan sa masusing pagsusuri ng mga eksperto sa kani-kanilang larangan upang matiyak ang kalidad, kredibilidad, at kahalagahan ng mga nilalaman nito.
Sa pamamagitan ng LUNTIAN, binibigyang-pugay ang kahalagahan ng wikang Filipino bilang pangunahing daluyan ng kaalaman, pananaliksik, at diskurso sa iba't ibang larangan ng karunungan. Hinihikayat nito ang mga mananaliksik, guro, mag-aaral, at mga propesyonal na magbahagi ng kanilang mga ideya, kaalaman, at natuklasan na makatutulong sa pagpapalago ng wika at kultura.
Ang dyornal na ito ay nagtatampok ng mga pananaliksik na tumutukoy sa mga sumusunod na larangan:
Lingguwistika at Wika
Panitikan at Kultura
Edukasyon at Pedagohiya
Agham Panlipunan at Humanidades
Mga usaping pangkaunlaran sa konteksto ng wikang Filipino
Sa pamamagitan ng LUNTIAN, hangad ng pamunuan nito na makapag-ambag sa patuloy na pagpapaunlad ng wikang Filipino bilang wika ng karunungan, pagkakakilanlan, at pagkakaisa ng sambayanang Pilipino.
LUNTIAN – isang simbolo ng buhay, pag-asa, at patuloy na pag-usbong ng ating wika at kultura.
Publication Ethics and Publication Malpractice Statement