LUNTIAN, Tomo I, Isyu II (Hunyo 2026), Pahina 38-43
ETNOLINGGUWISTIKONG PAGSUSURI NG REHISTRO AT RITWAL NA DISKURSO NG PAULÁW
Author
Roger Jr. Atibagos Pautan
Osmeña Colleges
https://orcid.org/0009-0009-5970-5666
LUNTIAN, Tomo I, Isyu II (Hunyo 2026), Pahina 38-43
Author
Roger Jr. Atibagos Pautan
Osmeña Colleges
https://orcid.org/0009-0009-5970-5666
Abstrak
Nananatiling limitado ang akademikong dokumentasyon hinggil sa Pauláw sa Palanas, Masbate. Bunga nito, inilarawan ng pag-aaral ang mga ritwal sa tatlong yugto, tinukoy ang leksikong Minasbate nito, at bumuo ng limbag na babasahin para sa preserbasyong kultural.
Gumamit ang pananaliksik ng kalitatibong etnograpiya. Sampung Paraulaw mula sa anim na barangay ang naging kalahok gamit ang purposive at snowball sampling. Nakalap ang datos sa semi-estrukturadong panayam at dokumentasyon, at sinuri sa pamamagitan ng thematic analysis at pagsusuring korpus.
Natuklasan na ang mga ritwal ay binubuo ng magkakaugnay na yugto ng paghahanda, pagsasagawa, at reintegrasyon na nag-uugnay sa tao, kalikasan, at espiritu. Natukoy rin ang mga rehistro ng wika sa paniniwala, alay, at materyales, na naging batayan sa pagbuo ng Lokal na Antolohiya ng mga Kuwentong Bayan ng Pauláw.
Ipinakikita ng pag-aaral na ang Pauláw ay daluyan ng kolektibong identidad at katutubong kaalaman. Inirerekomenda ang integrasyon nito sa edukasyon at pagpapatuloy ng mga programang pangkonserbasyon para sa mga susunod na salinlahi.
Tungkol sa Dyornal ng Pananaliksik:
LUNTIAN: Pambansang Dyornal ng Pananaliksik at Pag-aaral sa Pag-unlad ng Wikang Filipino
ISSN (Print): 3116-5435
ISSN (Online): 3116-5443
Ang LUNTIAN: Pambansang Dyornal ng Pananaliksik at Pag-aaral sa Pag-unlad ng Wikang Filipino ay isang akademikong publikasyon na naglalayong itaguyod at palaganapin ang mas malalim na pag-unawa, pagsusuri, at pagpapayaman sa wikang Filipino. Layunin ng dyornal na maging pangunahing plataporma para sa mga makabuluhang pananaliksik at talakayan ukol sa wika, kultura, at kaunlaran ng ating bayan.
Ang LUNTIAN ay isang peer-reviewed at refereed journal na nangangahulugang ang bawat pananaliksik na inilalathala rito ay dumadaan sa masusing pagsusuri ng mga eksperto sa kani-kanilang larangan upang matiyak ang kalidad, kredibilidad, at kahalagahan ng mga nilalaman nito.
Sa pamamagitan ng LUNTIAN, binibigyang-pugay ang kahalagahan ng wikang Filipino bilang pangunahing daluyan ng kaalaman, pananaliksik, at diskurso sa iba't ibang larangan ng karunungan. Hinihikayat nito ang mga mananaliksik, guro, mag-aaral, at mga propesyonal na magbahagi ng kanilang mga ideya, kaalaman, at natuklasan na makatutulong sa pagpapalago ng wika at kultura.
Ang dyornal na ito ay nagtatampok ng mga pananaliksik na tumutukoy sa mga sumusunod na larangan:
Lingguwistika at Wika
Panitikan at Kultura
Edukasyon at Pedagohiya
Agham Panlipunan at Humanidades
Mga usaping pangkaunlaran sa konteksto ng wikang Filipino
Sa pamamagitan ng LUNTIAN, hangad ng pamunuan nito na makapag-ambag sa patuloy na pagpapaunlad ng wikang Filipino bilang wika ng karunungan, pagkakakilanlan, at pagkakaisa ng sambayanang Pilipino.
LUNTIAN – isang simbolo ng buhay, pag-asa, at patuloy na pag-usbong ng ating wika at kultura.
Publication Ethics and Publication Malpractice Statement