LUNTIAN, Tomo I, Isyu II (Hunyo 2026), Pahina 156-160
PAGSUSURI SA ASPEKTO NG PANDIWA NG WIKANG TAUSUG
Mennalyn A. Masillam
Western Mindanao State University
https://orcid.org/my-orcid?orcid=0009-0003-7608-9478
LUNTIAN, Tomo I, Isyu II (Hunyo 2026), Pahina 156-160
Mennalyn A. Masillam
Western Mindanao State University
https://orcid.org/my-orcid?orcid=0009-0003-7608-9478
orcid?orcid=0009-0003-7608-9478
ABSTRAK
Ang pag-aaral na ito ay nagsuri sa pagbubuo ng pandiwa sa iba't ibang aspekto sa wikang Tausug. Nilayon nitong matukoy ang mga kayarian ng pandiwa at ang mga panlaping ginagamit sa pagbuo nito batay sa mga pangungusap na hinango mula sa nobelang In Kissah sin Amah iban sin Anak ni Garsom Mush'Ab at sa epikong Parang Sabil ni Abdulla at Putli Isara na isinatitik ni Mohammad Daud Abdul. Gumamit ang pag-aaral ng kwalitatibong pananaliksik gamit ang disenyong panuring-palarawan. Ang mga nakalap na pangungusap ay sinuri batay sa aspekto ng pandiwa, kayarian, at paraan ng paglalapi. Natuklasan na ang pandiwa sa wikang Tausug ay may tatlong pangunahing kayarian: payak, maylapi, at inuulit na maylapi. Lumabas din na gumagamit ang wikang Tausug ng iba't ibang uri ng panlapi tulad ng unlapi, gitlapi, hulapi, kabilaan, at pinagsamang gitlapi at hulapi sa pagbuo ng pandiwa sa aspektong perpektibo, imperpektibo, at kontemplatibo. Ipinakikita ng mga natuklasan na mayaman ang sistemang morpolohikal ng wikang Tausug at maihahanay ito sa mga wikang Pilipinong may masalimuot na estruktura ng paglalapi.
Mga Susing Salita: Wikang Tausug, pandiwa, morpolohiya, panlapi, aspekto ng pandiwa, kwalitatibong pananaliksik
Tungkol sa Dyornal ng Pananaliksik:
LUNTIAN: Pambansang Dyornal ng Pananaliksik at Pag-aaral sa Pag-unlad ng Wikang Filipino
ISSN (Print): 3116-5435
ISSN (Online): 3116-5443
Ang LUNTIAN: Pambansang Dyornal ng Pananaliksik at Pag-aaral sa Pag-unlad ng Wikang Filipino ay isang akademikong publikasyon na naglalayong itaguyod at palaganapin ang mas malalim na pag-unawa, pagsusuri, at pagpapayaman sa wikang Filipino. Layunin ng dyornal na maging pangunahing plataporma para sa mga makabuluhang pananaliksik at talakayan ukol sa wika, kultura, at kaunlaran ng ating bayan.
Ang LUNTIAN ay isang peer-reviewed at refereed journal na nangangahulugang ang bawat pananaliksik na inilalathala rito ay dumadaan sa masusing pagsusuri ng mga eksperto sa kani-kanilang larangan upang matiyak ang kalidad, kredibilidad, at kahalagahan ng mga nilalaman nito.
Sa pamamagitan ng LUNTIAN, binibigyang-pugay ang kahalagahan ng wikang Filipino bilang pangunahing daluyan ng kaalaman, pananaliksik, at diskurso sa iba't ibang larangan ng karunungan. Hinihikayat nito ang mga mananaliksik, guro, mag-aaral, at mga propesyonal na magbahagi ng kanilang mga ideya, kaalaman, at natuklasan na makatutulong sa pagpapalago ng wika at kultura.
Ang dyornal na ito ay nagtatampok ng mga pananaliksik na tumutukoy sa mga sumusunod na larangan:
Lingguwistika at Wika
Panitikan at Kultura
Edukasyon at Pedagohiya
Agham Panlipunan at Humanidades
Mga usaping pangkaunlaran sa konteksto ng wikang Filipino
Sa pamamagitan ng LUNTIAN, hangad ng pamunuan nito na makapag-ambag sa patuloy na pagpapaunlad ng wikang Filipino bilang wika ng karunungan, pagkakakilanlan, at pagkakaisa ng sambayanang Pilipino.
LUNTIAN – isang simbolo ng buhay, pag-asa, at patuloy na pag-usbong ng ating wika at kultura.
Publication Ethics and Publication Malpractice Statement