LUNTIAN, Tomo I, Isyu II (Hunyo 2026), Pahina 44-52
SARILING LINANGANG KIT NG BINAGONG GABAY SA ORTOGRAPIYANG PAMBANSA
Aljune J. Castillo, PhD
Mindoro State University
aljune.castillo@minsu.edu.ph
LUNTIAN, Tomo I, Isyu II (Hunyo 2026), Pahina 44-52
Aljune J. Castillo, PhD
Mindoro State University
aljune.castillo@minsu.edu.ph
ABSTRAK
Layunin ng pananaliksik na ito na suriin ang antas ng pagganap ng mga mag-aaral sa Ikawalong Baitang sa paggamit ng mga tuntunin ng Binagong Gabay sa Ortograpiyang Pambansa, matukoy ang epekto ng Sariling Linangang Kit (SLK) sa kanilang pagkatuto, at masuri ang kaangkupan ng nabuong kagamitang panturo batay sa pagtataya ng mga ebalweytor. Gumamit ang pag-aaral ng quasi-experimental na disenyo, partikular ang one-group pre-test and post-test design. Ang mga kalahok ay binubuo ng apatnapung (40) mag-aaral sa Ikawalong Baitang sa isang pampublikong paaralan sa Sangay ng Lungsod ng Calapan na pinili sa pamamagitan ng purposive sampling, kasama ang mga dalubguro, manunulat ng kagamitang panturo, at mga guro bilang mga ebalweytor. Ginamit bilang pangunahing instrumento ang 30 aytem na pauna at pangwakas na pagtataya, gayundin ang talatanungan sa pagtataya ng kaangkupan ng SLK. Sinuri ang mga datos gamit ang mean, standard deviation, paired t-test, at One-Way ANOVA. Ipinakita sa resulta na sa paunang pagtataya, ang mga mag-aaral ay nagtala ng mean score na 15.30 (51.00% MPS) na may interpretasyong "Katamtaman," habang sa pangwakas na pagtataya ay umakyat ito sa 26.00 (86.67% MPS) na inilarawan bilang "Mataas". Inirerekomenda ang paggamit ng SLK bilang karagdagang kagamitang panturo, pagsasagawa ng LAC sessions para sa mga guro, at pagpapalawak ng pilot testing nito sa iba pang paaralan sa Dibisyon ng Calapan.
Mga Susing Salita: Binagong Gabay sa Ortograpiyang Pambansa, kagamitang panturo,
Sariling Linangang Kit
Tungkol sa Dyornal ng Pananaliksik:
LUNTIAN: Pambansang Dyornal ng Pananaliksik at Pag-aaral sa Pag-unlad ng Wikang Filipino
ISSN (Print): 3116-5435
ISSN (Online): 3116-5443
Ang LUNTIAN: Pambansang Dyornal ng Pananaliksik at Pag-aaral sa Pag-unlad ng Wikang Filipino ay isang akademikong publikasyon na naglalayong itaguyod at palaganapin ang mas malalim na pag-unawa, pagsusuri, at pagpapayaman sa wikang Filipino. Layunin ng dyornal na maging pangunahing plataporma para sa mga makabuluhang pananaliksik at talakayan ukol sa wika, kultura, at kaunlaran ng ating bayan.
Ang LUNTIAN ay isang peer-reviewed at refereed journal na nangangahulugang ang bawat pananaliksik na inilalathala rito ay dumadaan sa masusing pagsusuri ng mga eksperto sa kani-kanilang larangan upang matiyak ang kalidad, kredibilidad, at kahalagahan ng mga nilalaman nito.
Sa pamamagitan ng LUNTIAN, binibigyang-pugay ang kahalagahan ng wikang Filipino bilang pangunahing daluyan ng kaalaman, pananaliksik, at diskurso sa iba't ibang larangan ng karunungan. Hinihikayat nito ang mga mananaliksik, guro, mag-aaral, at mga propesyonal na magbahagi ng kanilang mga ideya, kaalaman, at natuklasan na makatutulong sa pagpapalago ng wika at kultura.
Ang dyornal na ito ay nagtatampok ng mga pananaliksik na tumutukoy sa mga sumusunod na larangan:
Lingguwistika at Wika
Panitikan at Kultura
Edukasyon at Pedagohiya
Agham Panlipunan at Humanidades
Mga usaping pangkaunlaran sa konteksto ng wikang Filipino
Sa pamamagitan ng LUNTIAN, hangad ng pamunuan nito na makapag-ambag sa patuloy na pagpapaunlad ng wikang Filipino bilang wika ng karunungan, pagkakakilanlan, at pagkakaisa ng sambayanang Pilipino.
LUNTIAN – isang simbolo ng buhay, pag-asa, at patuloy na pag-usbong ng ating wika at kultura.
Publication Ethics and Publication Malpractice Statement