Abstrak
Si Moira Rachelle Bustamante Cruzado Dela Torre – Hernandez, o mas kilala bilang Moira de la Torre, ang pinakamaraming streamed na artistang Pilipina sa Spotify at itinuturing na Queen of Hugot Songs sa Pilipinas. Bagama't pinalalaganap ang kanyang mga awitin bilang "hugot," ang tanging hangad lamang ni Moira ay maging panibagong pinagmumulan ng lakas para sa mga tao. Inilalarawan ng pag-aaral na ito kung paanong ang pakikinig sa musika ni Moira dela Torre ay naging isang hilig na ginayak at kinilala ng mga Pilipino sa kanyang "hugot" sa pakikipagkaibigan, relasyon, at sa tinatawag na "life happens" (mga pagsubok sa buhay), na nagsasalaysay ng paglalakbay ng tao sa buhay at pag-ibig. Sinusuri ng pampanitikang pag-aaral na ito ang mga awitin ni Moira dela Torre tulad ng Malaya (2018), Tagpuan (2018), Saglit (2018), Ikaw Pa Rin (2020), Patawad, paalam (2020), Paalam (2020), Patawad (2020), Paubaya (2020), Pabilin (2021), at Pagitan (2021) upang ipaliwanag at alisin ang misteryo sa hugot (demystify hugot). Tinitingnan nito nang partikular ang imahen (imagery), paksa (theme), at estilo (style). Ang pag-aaral ay nakabatay sa Romanticism Theory ni William Wordsworth at Reader-response Theory ni Roland Barthes. Napatunayan sa pag-aaral na ang organic imagery (organikong imahen) ang pinakanangunguna at lalong lumilitaw sa mga personal na karanasan, panloob na damdamin, at emosyon. Ang mga tema ay ang sariling pagpapalaya at pagpapalakas ng loob (self-liberation and empowerment), pangungulila at pagninilay-nilay (nostalgia and reflections), panandaliang sandali (brief moments and transience), walang maliw na pag-ibig (unwavering love), kapatawaran at pagwawakas (forgiveness and closure), pamamaalam at pagtanggap (farewell and acceptance), tubos at pakikipagkasundo (redemption and reconciliation), pagpapakawala at pagsuko (letting go and surrender), pagkapit sa mga alaala (clinging to memories), at agwat at paghihiwalay (distance and separation). Ang mga estilo ni Moira ay nakapagpapalakas ng loob at nagninilay-nilay, nangungulila at nakalulungkot, mabilis na lumipas at maemosyon, matatag at mapagmahal, humihingi ng tawad at naghahangad ng pagwawakas, pinal at matatag, nakikipagkasundo at nagpapatubos, resigned o pasuko at maemosyon, naghahangad at nagpapanatili, pati na rin nagninilay-nilay at tensyunado. Sa gayon, pinatutunayan ng pag-aaral na ang mga awitin ni Moira Dela Torre ay nagpapaliwanag at nag-aalis ng misteryo sa hugot.
Mga Susing Salita: Moira-tic hugot, Musikang Pilipino, imahen (imagery), paksa (theme), estilo (style)
DOI https://zenodo.org/records/24497859