ABSTRAK
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong makabuo ng I-Book na nakabatay sa Culture-Based Education bilang kagamitang pampagtuturo ng Ibong Adarna sa ikapitong baitang alinsunod sa MATATAG Kurikulum ng Kagawaran ng Edukasyon. Layunin nitong palalimin ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa panitikan at kulturang Pilipino sa pamamagitan ng interaktibo at makabagong estratehiya ng pagtuturo.
Ginamit ang teoryang constructivism bilang batayang teorya upang hikayatin ang aktibong partisipasyon ng mga mag-aaral sa pagbuo ng sariling kaalaman. Ginamit din ng mananaliksik ang Research and Development (R&D) method sa pangangalap ng datos, kabilang ang structured interview at pagpapabalido ng I-Book sa mga aspeto ng nilalaman, disenyo ng pagtuturo, at teknikal na katangian gaya ng interface design, functionality, at interactivity.
Batay sa pagsusuri ng datos, ang nabuong I-Book ay nakatamo ng mataas na antas ng pagtanggap mula sa mga eksperto. Ipinapakita ng pag-aaral na ang I-Book ay epektibong kasangkapan sa pagtuturo ng Ibong Adarna, na nagtataguyod ng malalim na pag-unawa sa kulturang Pilipino, pagpapahalaga sa sariling kultura, at integrasyon ng teknolohiya sa makabagong pamamaraan ng pagtuturo.
https://doi.org/10.65494/pinagpalapublishing.133