LUNTIAN, Tomo I, Isyu IV (Agosto 2026), Pahina 62-85
TALINGHAGA: ISANG GLOSARYO NG MGA IDYOMA BILANG SUPLEMENTAL NA SANGGUNIAN SA MALIKHAING PAGSULAT
Mananaliksik
Mark Vincent R. Sotto
Kolehiyo ng Edukasyon
Tarlac State University
LUNTIAN, Tomo I, Isyu IV (Agosto 2026), Pahina 62-85
Mananaliksik
Mark Vincent R. Sotto
Kolehiyo ng Edukasyon
Tarlac State University
Abstrak
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong makabuo ng isang glosaryo ng mga idyoma na magsisilbing kagamitang pampanitikan upang mapadali ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa Senior High School, partikular sa asignaturang Malikhaing Pagsulat. Nilayon nitong mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral sa paggamit ng mga matatalinghaga at masining na pagpapahayag na mahalaga sa paglikha ng iba’t ibang akdang pampanitikan. Ginamit sa pananaliksik ang Research and Development (R&D) na disenyo, isang sistematikong proseso ng pagbuo, pagsasaayos, at ebalwasyon ng isang kagamitang panturo upang matugunan ang pangangailangan sa larangan ng edukasyon. Isinagawa ang pangangalap at pagsusuri ng mga idyoma na nagsilbing batayan sa pagbuo ng glosaryo. Batay sa mga natuklasan, napag-alaman na mahalaga ang glosaryo ng mga idyoma sa pagpapaunlad ng kasanayan sa wika at panitikan sapagkat napadadali nito ang pag-unawa sa mga kahulugan ng idyoma at sa wastong paggamit ng mga ito sa iba’t ibang konteksto. Nakatutulong din ito sa pagpapalawak ng bokabularyo, pagpapayaman ng kaalaman sa matatalinghagang pananalita, at pagpapaunlad ng kasanayan sa pagsulat ng mga akdang pampanitikan. Higit pa rito, nagbibigay ito ng mga paliwanag at halimbawa na nagpapakita ng kahalagahan ng mga idyoma sa pang-araw-araw na komunikasyon. Samakatuwid, napatunayan sa pag-aaral na ang nabuong glosaryo ng mga idyoma ay isang mabisang sanggunian na makatutulong sa paglinang ng malikhaing pagsulat at pagpapayaman ng kasanayang pangwika ng mga mag-aaral. Inirerekomenda ang patuloy na pagdaragdag ng mga idyoma at halimbawa, gayundin ang pagsasagawa ng mga kaugnay na pag-aaral upang higit pang mapahusay ang pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral.
Tungkol sa Dyornal ng Pananaliksik:
LUNTIAN: Pambansang Dyornal ng Pananaliksik at Pag-aaral sa Pag-unlad ng Wikang Filipino
ISSN (Print): 3116-5435
ISSN (Online): 3116-5443
Ang LUNTIAN: Pambansang Dyornal ng Pananaliksik at Pag-aaral sa Pag-unlad ng Wikang Filipino ay isang akademikong publikasyon na naglalayong itaguyod at palaganapin ang mas malalim na pag-unawa, pagsusuri, at pagpapayaman sa wikang Filipino. Layunin ng dyornal na maging pangunahing plataporma para sa mga makabuluhang pananaliksik at talakayan ukol sa wika, kultura, at kaunlaran ng ating bayan.
Ang LUNTIAN ay isang peer-reviewed at refereed journal na nangangahulugang ang bawat pananaliksik na inilalathala rito ay dumadaan sa masusing pagsusuri ng mga eksperto sa kani-kanilang larangan upang matiyak ang kalidad, kredibilidad, at kahalagahan ng mga nilalaman nito.
Sa pamamagitan ng LUNTIAN, binibigyang-pugay ang kahalagahan ng wikang Filipino bilang pangunahing daluyan ng kaalaman, pananaliksik, at diskurso sa iba't ibang larangan ng karunungan. Hinihikayat nito ang mga mananaliksik, guro, mag-aaral, at mga propesyonal na magbahagi ng kanilang mga ideya, kaalaman, at natuklasan na makatutulong sa pagpapalago ng wika at kultura.
Ang dyornal na ito ay nagtatampok ng mga pananaliksik na tumutukoy sa mga sumusunod na larangan:
Lingguwistika at Wika
Panitikan at Kultura
Edukasyon at Pedagohiya
Agham Panlipunan at Humanidades
Mga usaping pangkaunlaran sa konteksto ng wikang Filipino
Sa pamamagitan ng LUNTIAN, hangad ng pamunuan nito na makapag-ambag sa patuloy na pagpapaunlad ng wikang Filipino bilang wika ng karunungan, pagkakakilanlan, at pagkakaisa ng sambayanang Pilipino.
LUNTIAN – isang simbolo ng buhay, pag-asa, at patuloy na pag-usbong ng ating wika at kultura.
Publication Ethics and Publication Malpractice Statement