LUNTIAN, Tomo I, Isyu II (Hunyo 2026), Pahina 63-70
PAGTATAYA SA KAHUSAYAN SA PAGSULAT NG MGA PILING MAG-AARAL SA LUNGSOD ZAMBOANGA
Ednalyn D. Cadapan
Western Mindanao State University
https://orcid.org/0000-0003-2420-8730
LUNTIAN, Tomo I, Isyu II (Hunyo 2026), Pahina 63-70
Ednalyn D. Cadapan
Western Mindanao State University
https://orcid.org/0000-0003-2420-8730
ABSTRAK
Layunin ng pag-aaral na ito na mataya ang antas ng kahusayan sa pagsulat ng mga piling mag-aaral sa Lungsod Zamboanga batay sa mga komponent na nilalaman, organisasyon, wastong gamit ng mga salita, at mekaniks. Gumamit ang pag-aaral ng kwantitatibong pamamaraan ng pananaliksik at disenyong deskriptibong pasuri. Bilang instrumento, pinasulat ang mga kalahok ng isang komposisyong pasalaysay tungkol sa kanilang makulay at hindi malilimutang karanasan. Sinuri ang mga isinulat gamit ang pamantayang School Education Development Program (SEDP), at ginamitan ng mean at standard deviation sa pagsusuri ng mga datos. Ipinakita ng resulta na ang mga kalahok ay nagtamo ng mahusay na antas ng kahusayan sa lahat ng komponent ng pagsulat: nilalaman (M = 71.30, SD = 9.58), organisasyon (M = 75.10, SD = 7.64), wastong gamit ng mga salita (M = 73.97, SD = 6.76), at mekaniks (M = 72.02, SD = 7.04). Ang kabuuang mean na 73.13 (SD = 6.07) ay may palarawang interpretasyong mahusay, na nagpapahiwatig na ang mga kalahok ay may sapat na kakayahang makabuo ng malinaw, organisado, at makabuluhang sulatin. Napagpasyahan na ang mga piling mag-aaral sa Lungsod Zamboanga ay nagtataglay ng mahusay na antas ng kahusayan sa pagsulat. Inirerekomenda ang pagpapatuloy at pagpapaigting ng mga estratehiya at programang pampagtuturo na higit na magpapahusay sa nilalaman, organisasyon, wastong paggamit ng mga salita, at mekaniks upang higit pang mapaunlad ang kalidad ng akademikong pagsulat ng mga mag-aaral.
Mga Susing Salita: kahusayan sa pagsulat, nilalaman, organisasyon, wastong gamit ng mga salita, mekaniks, Lungsod Zamboanga.
Tungkol sa Dyornal ng Pananaliksik:
LUNTIAN: Pambansang Dyornal ng Pananaliksik at Pag-aaral sa Pag-unlad ng Wikang Filipino
ISSN (Print): 3116-5435
ISSN (Online): 3116-5443
Ang LUNTIAN: Pambansang Dyornal ng Pananaliksik at Pag-aaral sa Pag-unlad ng Wikang Filipino ay isang akademikong publikasyon na naglalayong itaguyod at palaganapin ang mas malalim na pag-unawa, pagsusuri, at pagpapayaman sa wikang Filipino. Layunin ng dyornal na maging pangunahing plataporma para sa mga makabuluhang pananaliksik at talakayan ukol sa wika, kultura, at kaunlaran ng ating bayan.
Ang LUNTIAN ay isang peer-reviewed at refereed journal na nangangahulugang ang bawat pananaliksik na inilalathala rito ay dumadaan sa masusing pagsusuri ng mga eksperto sa kani-kanilang larangan upang matiyak ang kalidad, kredibilidad, at kahalagahan ng mga nilalaman nito.
Sa pamamagitan ng LUNTIAN, binibigyang-pugay ang kahalagahan ng wikang Filipino bilang pangunahing daluyan ng kaalaman, pananaliksik, at diskurso sa iba't ibang larangan ng karunungan. Hinihikayat nito ang mga mananaliksik, guro, mag-aaral, at mga propesyonal na magbahagi ng kanilang mga ideya, kaalaman, at natuklasan na makatutulong sa pagpapalago ng wika at kultura.
Ang dyornal na ito ay nagtatampok ng mga pananaliksik na tumutukoy sa mga sumusunod na larangan:
Lingguwistika at Wika
Panitikan at Kultura
Edukasyon at Pedagohiya
Agham Panlipunan at Humanidades
Mga usaping pangkaunlaran sa konteksto ng wikang Filipino
Sa pamamagitan ng LUNTIAN, hangad ng pamunuan nito na makapag-ambag sa patuloy na pagpapaunlad ng wikang Filipino bilang wika ng karunungan, pagkakakilanlan, at pagkakaisa ng sambayanang Pilipino.
LUNTIAN – isang simbolo ng buhay, pag-asa, at patuloy na pag-usbong ng ating wika at kultura.
Publication Ethics and Publication Malpractice Statement