LUNTIAN, Tomo I, Isyu II (Hunyo 2026), Pahina 161-168
PAGSIPAT AT PAGDALUMAT SA IMAHEN NG MGA BABAE SA LENTE NG MGA PILING MAKABAGONG PELIKULANG FILIPINO
GIRLIE C. TANGALIN
Western Mindanao State University
LUNTIAN, Tomo I, Isyu II (Hunyo 2026), Pahina 161-168
GIRLIE C. TANGALIN
Western Mindanao State University
Abstrak
Layunin ng pag-aaral na sipatin at dalumatin ang mga imahen ng mga babae sa lente ng mga makabagong piling pelikulang Filipino batay sa mga tiyak na layunin: matukoy ang tungkulin ng mga babae sa iba’t ibang institusyong panlipunan na makikita sa piling pelikulang Filipino? Masuri ang kalakasan at kahinaan ang ipinakikita ng kababaihan sa papel na ginagampanan sa mga piling pelikulang Filipino? At malaman ang repleksiyon ng mga kalakasan at kahinaang natukoy sa imahen ng mga babae sa mga piling makabagong pelikulang Filipino?
Batay sa pagsusuri sa mga pelikula natuklasan ang mga sumusunod: Ang mga tauhang babae sa loob ng pelikula ay nagpakita ng kani-kanilang tungkulin. Ang pagiging asawa, ina, anak, lola, apo, kapatid, kaibigan, empleyado, nars, pasyente, babaeng boss, artista/ modelo , seamstress, kasintahan at kerida. Dala ng pagbabago ng panahon ay nagpakita rin ng mga babaeng gumanap ng higit sa isang tungkulin, kinaya ang pagbabalanse ng mga tungkulin, sa pamilya at lipunan
Ang babaeng Fiipina sa piling makabagong pelikulang Filipino ay may kani-kaniyang mga maganda at di-magandang pag-uugali na bunga ng kanilang pinagdaanan sa buhay, magkakaiba sa tungkulin, kahinaan at kalakasan ngunit hindi maikakailang sila ay isang indibidwal may taglay na lakas na karapat-dapat bigyan ng pantay karapatang tinatamasa ng kalalakihan dahil napatunayan nilang marami silang naiambag sa iba’t ibang institusyong panlipunan. Naipamalas nilang sila ay kapantay ng mga lalaki at isang indibidwal na may sariling kakayahan at kakanyahan.
Tungkol sa Dyornal ng Pananaliksik:
LUNTIAN: Pambansang Dyornal ng Pananaliksik at Pag-aaral sa Pag-unlad ng Wikang Filipino
ISSN (Print): 3116-5435
ISSN (Online): 3116-5443
Ang LUNTIAN: Pambansang Dyornal ng Pananaliksik at Pag-aaral sa Pag-unlad ng Wikang Filipino ay isang akademikong publikasyon na naglalayong itaguyod at palaganapin ang mas malalim na pag-unawa, pagsusuri, at pagpapayaman sa wikang Filipino. Layunin ng dyornal na maging pangunahing plataporma para sa mga makabuluhang pananaliksik at talakayan ukol sa wika, kultura, at kaunlaran ng ating bayan.
Ang LUNTIAN ay isang peer-reviewed at refereed journal na nangangahulugang ang bawat pananaliksik na inilalathala rito ay dumadaan sa masusing pagsusuri ng mga eksperto sa kani-kanilang larangan upang matiyak ang kalidad, kredibilidad, at kahalagahan ng mga nilalaman nito.
Sa pamamagitan ng LUNTIAN, binibigyang-pugay ang kahalagahan ng wikang Filipino bilang pangunahing daluyan ng kaalaman, pananaliksik, at diskurso sa iba't ibang larangan ng karunungan. Hinihikayat nito ang mga mananaliksik, guro, mag-aaral, at mga propesyonal na magbahagi ng kanilang mga ideya, kaalaman, at natuklasan na makatutulong sa pagpapalago ng wika at kultura.
Ang dyornal na ito ay nagtatampok ng mga pananaliksik na tumutukoy sa mga sumusunod na larangan:
Lingguwistika at Wika
Panitikan at Kultura
Edukasyon at Pedagohiya
Agham Panlipunan at Humanidades
Mga usaping pangkaunlaran sa konteksto ng wikang Filipino
Sa pamamagitan ng LUNTIAN, hangad ng pamunuan nito na makapag-ambag sa patuloy na pagpapaunlad ng wikang Filipino bilang wika ng karunungan, pagkakakilanlan, at pagkakaisa ng sambayanang Pilipino.
LUNTIAN – isang simbolo ng buhay, pag-asa, at patuloy na pag-usbong ng ating wika at kultura.
Publication Ethics and Publication Malpractice Statement